-- Advertisements --

Kabuuang P240 billion ang budget proposal ng Department of Agriculture (DA) para sa 2021.

Sinabi ni Agriculture Sec. William Dar, sa halagang ito, kasama na ang P66 billion stimulus package.

Ayon kay Sec. Dar, tatlong pangunahing areas ang paglalaanan nila ng stimulus package, kabilang dito ang pagpapalawig ng suporta sa mas maraming domestic food production.

Inihayag ni Sec. Dar na ikalawang areas na paglalaanan ng pondo ay ang pagdaragdag ng malalaking food markets sa mga kritikal na lugar sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Kaakibat umano nito ay dapat mapalakas ang food logistics para madala ang mga produkto sa maraming bahagi ng bansa.

Kailangan umano rito ang mas maraming cold storage facilities, trading centers sa mga estratehikong lugar sa bawat probinsya at mas maraming bagsakan areas sa mga distrito para mas maging mabilis ang galaw at kalakalan ng ibat ibang produkto ng mga magsasaka at mangingisda.

Nasa ikatlong area namang pupuntahan ng pondo ay ang cash-for-work program para sa mga manggagawa para sa pagtatayo at rehabilitasyon ng agricultural facilities.