Nasa 12 kilos ng hinihinalaang shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa isinagawang buy bust operation kaninang tanghali sa may Parking 5 Alabang Town Center, Ayala, Alabang sa Muntinlupa.

Kinilala ni PDEA Director Gen. Aaron Aquino ang tatlong indibidwal na mga drug courier na naaresto sa operasyon na sina Norodian Guimadel Samlidan lalaki, Lady Jane Flores Borja at Regina Inocensia San Miguel.

Nakumpiska sa kanilang posisyon ang limang packs ng hinihinalaang shabu na nasa 10 kilo at may market value na P50 million.

Samantala, arestado din sa isang buy bust operation sa Chino Roces Avenue sa Makati City ang isang Chinese na nakilala lamang sa pangalan na Lim kung saan dalawang kilo ng hinihinalaang shabu ang nakumpiska sa kaniyang posisyon.

Tinatayang nasa P10,000 ang halaga ng shabu ang nasabat kay Lim.