NAGA CITY – Umabot ng P6.8 million na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa tatlong mga suspeks sa Brgy. Triangulo sa lungsod ng Naga kagabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Paul Malonzo, Jericho Molanos at Neihruchiadnizzar Asis.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Sur, nabatid na pasado alas-11:20 ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek na nauwi sa pagkakaaresto sa mga ito.

Nakumpiska rin ng mga otoridad ang tinatayang nasa 1,000 grams ng pinaniniwalaang shabu at iba pang mga drug paraphernalia.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon habang nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.