-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Limang drug dealer ang naaresto sa inilunsad na anti-drug operation sa mga otoridad sa probinsya ng Lanao Del Sur.

Nakilala ang mga suspek na sina Lenlen Ampaso alyas Basit, 41 anyos,residente ng Barangay Poblacion Kapatagan Lanao Del Sur, Johary Macarao, 24,binata at nakatira sa Marawi City ,Amrodin Adel, 23,binata at residente ng Sapad Lanao Del Norte, Proxy Rauring,41 at Abdul Sawaf Auring, 19 na kapwa nakatira sa Barangay Basak Lapu-Lapu City.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) Regional Director Juvinal Azurin na nagsagawa sila ng drug buybust operation sa Purok 3 Brgy Poblacion Kapatagan Lanao Del Sur sa pangunguna ng mga tauhan ng PDEA-10,Kapatagan MPS,PNP-10 Regional Intelligence Division at PNP Special Operations Unit 6.

Nang i-abot na ng mga suspek ang shabu sa asset ng PDEA-BARMM ay doon na sila hinuli at pinosasan.

Narekober sa mga suspek ang shabu na nagkakahalaga ng

P6, 800,000.00,drug paraphernalia at mga personal na kagamitan.

Sa kasalukuyan ang mga suspek ay nakapiit na sa costudial facility ng PDEA-10 at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.