-- Advertisements --

Umaabot na sa P353.8 billion ang pondong naipalabas ng gobyerno kaugnay ng paglaban sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Budget Sec. Wendel Avisado sa virtual briefing sa Malacañang, patuloy na maglalaan ng pondo ang pamahalaan para sa COVID-19 sa ilalim ng “Bayanihan We Heal as One Act.”

Ayon kay Avisado P246.5 billion ay mula sa savings ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ang P96.7 billion naman ay mula sa unprogrammed appropriation ng national budget ang P10.6 billion ay galing sa mga reprogrammed existing government projects.

Inihayag ni Sec. Avisado na sa pamammagitan ng “Bayanihan We Heal as One Act” ay may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na magre-align ng pondo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para tugunan ang emergency na dulot ng COVID-1.