pdea opS
PDEA operations/ Image by PDEA

MAGUINDANAO – Arestado ang isang drug suspect na high value target sa ikinasang drug buy bust operation ng PDEA BARMM, PNP, at Philippine Army sa Brgy. Pinguiaman, DOS, Maguindanao.

Kinilala ng suspek na si Jordan Rakim alyas Abdul, 38 anyos.

Nakumpiska kay Rakim ang 500 grams na shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 Million , P1.7 million na boodle money, 17 bundle ng photocopied 1000 bill, at dalawang cellphone.

Sa ngayon ay hawak na ng PDEA BARMM ang suspek at inihahanda na ang kaukulang kaso na isasampa dito.