Esquivel 1

Arestado ang dalawang hinihinalaang drug suspeks sa ikinasang drug buy-bust operations ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station-7 kaninang alas-5:02 ng madaling araw sa may bahagi Kaginhawaan St. cor Kaagapay St.,Karangalan Village, Barangay Manggahan, Pasig City.

Nasabat sa dalawang suspeks ang nasa 500 grams na hinihinalaang shabu na may market value na P3,400,000.00 million.

Kinilala ni QCPD Director PBGen. Joselito Esquivel ang dalawang suspeks na sina Mark Kim Cudia, 28-anyos at Patricia Jane Dayta, 18-anyos.

Sinabi ni Esquivel na mga operating elements ng PS-7 ang nagsagawa ng buy-bust operation matapos ang ilang buwang monitoring laban sa mga suspeks.

Nakuha mula sa mga suspeks ang anim na large heat sealed transparent sachet na naglalaman ng umano’y shabu; dalawang piraso ng medium heat sealed transparent sachet na may shabu; isang medium transparent ziplock naglalaman ng shabu; limang piraso ng P1,000 Bill na ginamit bilang
buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng QCPD PS-7 ang dalawang drug suspeks para sa kaukulang pagsampa ng kaso.