Lusot na sa House Committee on Appropriations ang nasa P27.3 billion proposed 2026 budget ng Office of the President (OP).
Ito’y matapos tinerminate kaagad ng komite ang budget deliberations ng Office of the President dahil sa “Parliamentary Courtesy.”
Nasa 56 lawmakers ang bumuto pabor habang lima ang hindi pabor.
Paglilinaw ni Bersamin na mahahati ito sa dalawang bahagi ang panukalang budget ng Office of the President para sa taong 2026.
Ang ilan ay mapupunta sa mga aktibidad at proyekto habang ang malaking bahagi ay gagamitin sa pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN 2026.
Giit ni Bersamin mas mababa ito kumpara sa proposed budget ng Office of the President noong nakaraang taon.
Ang Office of the President (OP) ay humihingi sa Kongreso ng badyet na P27.3 bilyon para sa fiscal year 2026, kung saan 72% ang pagtaas nito mula sa kasalukuyang taon na budget na nasa P15.8 bilyon.
Ang bulto ng halaga partikular ang P17.5 bilyon ay gagastusin sa pagho-host ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Pilipinas.
Sa pagharap ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa house panel kaniyang hiniling sa mga kongresista na suportahan ang kanilang panukalang pambansang budget.
Binigyang-diin ni Bersamin isinusulong ng Office of the President sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang full transparency at accountability hinggil sa pambansang pondo.