-- Advertisements --

Papalawigin pa ng Department of Agriculture (DA) ang saklaw ng P20 kada kilong bigas para makabili na rin ang mga pamilya mula sa middle-class sa susunod na taon.

Sa post-State of the Nation Address (SONA) conference ng mga key government officials ngayong Martes, Hulyo 29, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr. na plano ng pamahalaan na makapagbenta ng bente pesos na bigas sa 15 milyong households o 60 milyong Pilipino kabilang ang mga pamilya na nasa middle-income class.

Magtatakda din ang ahensiya ng buwanang limit na 10 kilong bigas na maaaring bilhin ng middle-class households, bagamat maaari aniya itong mapataas pa kalaunan.

Sa kasalukuyan, tanging mga nasa vulnerable sectors gaya ng mga mahihirap o miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Progam (4Ps), senior citizen, persons with disability (PWDs), solo parents, at minimum wage earners ang maaaring bumili ng murang bigas.

Kung saan limitado sa 30 kilo ng bigas kada buwan ang maaaring bilhin ng mga benepisyaryo ng programa.