IMG 20191218 144926

Papalo sa mahigit P141 million na halaga ng shabu ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) port of NAIA.

Ang 20.8 kilo ng methamphetamine o shabu ay naharang sa FEDEX Warehouse sa Pasay City.

Ang naturang kontrabando ay isinilid sa dalawang speaker na galing sa United States.

Ang kontrabando ay hinihinalang may street value na P141,440,000 million.

Ang mga kontrabando ay agad namang isinuko ng mga otoridad sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa imbestigasyon.