TACLOBAN CITY –Aabot sa P14 million ang naging damyos matapos na matupok an isang commercial building sa Poblacion, Palompon Leyte.

Ayon kay FInsp. Dennis Martinez, ng Palompon Fire Station, nagsimula ang sunog bandang alas kwuatro ng umaga na umabot ng sampung oras bago maapula ng mga bombero.

Sugatan naman an ilang mga bumbero dahil kinailangan pa ng mga ito na gumapang papasok para maapula ang sunog kung saan ang lakas ng apoy at kapal ng usok an nagpahirap sa kanila.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ng BFP an pinagmulan ng naturang sunog.

Nagpaalala din ang mga ito sa publiko na hindi lang muna lumapit sa nasunog na commercial building dahil nasa kritikal pa ang structural condition nito matapos ang sunog.