-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation o (NBI)-10 at Bureau of Internal Revenue (BIR)-10 ang mahigit P13-million na halaga ng mga pekeng sigarilyo.

Ito’y matapos nilang sinalakay ang bodega kung saan nakaimbak ang mga pekeng sigarilyo sa may Barangay Mohon, Tagoloan Misamis Oriental.

Sinabi ni NBI-10 Regional Director Atty. Patricio Bernales na kanilang nakumpiska mula sa bodega na pagmamay-ari ng negosyanteng Intsik na kinilalang si Huang Teng Pee ang aabot sa 399,790 na pakete ng iba’t-ibang brand ng mga sigarilyo.

Ngunit hindi nahuli ng NBI ang may-ari ng bodega dahil walang tao roon ng kanilang itong sinalakay.

Ayon kay Bernales, patong-patong na kaso ang kanilang isampa laban sa banyagang negosyante lalong-lalo na ang paglabag sa Republic Act No. 8293.

Pabayarin rin siya ng BIR nang monetary penalty na nagkakahalaga sa P140-million.