Pag-aaralan pa umano ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang inihaing dagdag na P100 sa minimum wage para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa grupong Defend Jobs Philippines, nararapat na taasan na ang sahod ng mga manggagawa dahil sa patuloy ang pagtaas din ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at ang epekto ng pandemiya.
Dagdag pa ng grupo, iniintindi nila ang kalagayan ng mga employers subalit kailangan nila ngayon ang suporta ng gobyerno.
Nakiusap naman ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na kung maari ay ipagpaliban ang hirit na dagdag sahod dahi sa maraming mga negosyo ang hindi pa nakakabangon mula sa COVID-19 pandemic.
Inasahan na susunod na maghahain ng dagdag sahod ang ilang mga manggagawa na nasa ibang rehiyon.