-- Advertisements --

Inamin ni Oil Industry Management Bureau (OIMB) Dir. Rino Abad na nananatili ang posibilidad na pumalo sa P100 kada litro ang presyo ng langis.

Ayon kay Abad sa panayam ng Bombo Radyo, maraming factors ang kanilang nakikita na maaaring magresulta sa panibagong oil price increase.

Pero lumalabas sa hiwalay na datos na may mga lugar nang lumapalo sa mahigit P100 kada litro ang presyo ng diesel, partikular na sa mga islang lugar at kailangan pang ibyahe sa dagat ang mga produkto.

Samantala, may nababanaag din namang posibleng rollback ang DOE sa mga susunod na linggo, kung bababa ang demand ng China sa petroleum products dahil sa mga lockdown at iba pang rason.