-- Advertisements --

valenzuela5

Nasa P10.2 million halaga ng iligal na droga ang nasabat sa dalawang naaresto na tinaguriang high value target at big time drug pushers sa isinagawang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela Police sa Bautista St., Brgy Ugong, Valenzuela City.

Kinilala ni Northern Police District director, Brig/Gen Eliseo Cruz ang dalawang drug suspects na sina Ernesto Francisco, 49, at Genelyn Mararac, 33, residente ng nasabing barangay.

valenzuela4

Sinabi ni Cruz, matagal ng mino-monitor ng mga operatiba ang dalawa na siyang key players sa drug distribution network at nag-o-operate sa northern Manila.

Ang nasabing drug buy bust operation ng Valenzuela Police ay bahagi ng pinalakas na anti-illegal drug campaign ng PNP.

Sa report ni NCRPO chief Brig. Gen. Vicente Danao kay PNP chief Gen. Debold Sinas nakuhanan ng nasa 1.5 kilos na shabu ang dalawang suspek, ilang piraso ng vacuum-sealed plastic sachets, P15,000 cash, digital weighing scale, cellphone, relo at ilang piraso ng alahas.

valenzuela3

Sinabi ni Danao na ang mga nakumpiskang iligal na droga ay i-turne over sa Northern Police District Crime laboratory para sa chemical analysis.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng dalawang suspek.

Samantala, napigilan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang tangkang pagpapadala ng parcel ng isang local consignee na naglalaman ng iligal na droga sa abroad Ninoy Aquino International Airport.

Sa report ni PNP DEG director B/Gen. Ronald Lee kay PNP chief hindi sumipot ang local consignee mula Caloocan City sa nasabing drug shipment kaya hindi nito na claim ang nasabing parcel.

Gayunpaman, pinuri ni Sinas ang mga operatiba dahil nagkaroon ng efficient coordinated action mula sa ibat ibang law enforcement agencies.

Ayon kay Lee, nagsagawa sila ng controlled delivery operation matapos madiskubre ang parcel na naglalaman ng 240 grams ng shabu na ipinadala ng Yong Chee Lei mula Persekutnan, Malaysia.

Ang mga nasabing kontrabando ay nakasilid sa isang tea packaging na nadiskubre ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng X-ray examination.

Kinilala ni Lee ang local consignee na si Santiago Isagani, residente ng Bagong Silang, Caloocan City.