-- Advertisements --
Ipinapaubaya na ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone sa mga manlalaro nito ang magiging panalo laban sa Chinese Taipei sa FIBA Asia Cup.
Sinabi nito na dumaan na sila sa mga matinding ensayo at panahon na para maipakita ang kanilang mga tunay na laro.
Ilan sa mga manlalaro na inaasahan nito bukod kay Justin Brownlee ay si Kevin Quiambao.
Mayroon ng green light na itong naibigay sa mga manlalaro niya bago ang tune-up games nila sa Jeddah, Saudi Arabia.