-- Advertisements --
Hindi bababa sa 10 katao ang nasawi at mahigit 50 iba pa ang nawawala matapos ang naganap na flashflood at malawakang pagbaha sa India.
Maraming kabahayan din ang nasira sa lupain na gumuho sa Dharali, Uttarakhand.
Dahil sa insidente ay ilang daang katao rin ang inilikas.
Magugunitang noong 2023 ay aabot sa 30 katao ang nasawi dahil sa malawakang pagbaha na nangyari sa parehas na lugar.