toledo cebu

CEBU CITY – Hinahanap ngayon ang dalawang pinaniniwalaang cultivators matapos binunot ng PNP ang P10 milyong halaga ng marijuana plants sa Sito Hikapon, Brgy. General Climaco, Toledo City, Cebu.

Kinilala ang mga suspek na sina Daniel Canaliso at Harry Macapas.

Ayon kay Lt. Col. Hector Grijaldo ng Regional Mobile Forces Battalion (RMFB-7), nakatanggap umano sila ng sumbong patungkol sa malawak na marijuana plantation.

Winasak at sinunog ng otoridad ang 20,000 fully-grown marijuana stalks at 10,000 seedlings nito na nagkakahalagang P10 million.

Sinabi rin ni Grijaldo na sina Canaliso at Macapas ay ang tinuturong may-ari ng mga marijuana plantation sa Barangay General Climaco.

Dagdag pa nito na may existing warrant of arrest ang PNP laban sa dalawa dahil sa pangha-harass umano nito sa mga residente.

Nasa PNP Crime Laboratory ngayon ang ilang mga marijuana stalks upang isailalim sa laboratory examination.