CEBU CITY – Hihigit sa P1-M ang halaga ng nasabat na iligal na drugas ng mga awtoridad sa isang miyembro ng LGBT group sa Brgy. Subangdaku, sa lungsod ng Mandaue, Sa lalawigan ng Cebu.
Kinilala ng City Intelligence Unit (CIU) at City Drug Enforcement Agency (CDEU) ng Mandaue City Police Office ang suspek na si Vicente Secretaria o kilala sa pangalan na Amanda, 43 taong-gulang at nanululuyan sa Brgy. Mambaling sa Lungsod ng Cebu.
Base sa inisyal na imbestigasyon, inamin ni alyas Amanda ang krimen at ayun pa nito na napag-utos lang ito ng kaibigan na isang miyembro rin ng LGBT group na ihatig ang mga iligal na drugas sa kapitbahay na syudad. Nakuha mula sa suspek ang aabot sa 200 gramus sa hinihinalang shabu, na naghahalaga ng P1.36 Million.
Ayun pa ni PLt. Troy John Lalamunan ang team lider sa pinagsanib na pwersa ng City Intelligence Unit (CIU) at City Drug Enforcement Agency (CDEU) na matagal na nitong isinalalim sa surveillance si alyas amanda.
Subalit, itinangi ng suspek na matagal na itong natutulak ng iligal drugas.
Dagdag pa nito na ito pa lang ang ika-dalawang beses na naghatid ito ng iligal na droga.
Nagpapatuloy parin ang follow-up operation ng mga kapulisan para makuha ang pinanggalingan ng iligal na droga ng suspek.
Kakaharapin nito ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.