CEBU CITY – Aabot sa mahigit P1-milyon ang halaga ng hinihinalang shabu na nakumpiska ng Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-7 sa isinigawang buy bust operation Brgy. San Isidro, Talisay City, Cebu.

Nakadetine na ngayon sa Talisay Police Station ang apat na mga nahuli.

Kinilala ang subject na si Mark Manuel Bontuyan Daiparine, isang high value target (HVT) at residente sa nasabing lugar.

Huli din ang HVT ng probinsya na si Justine Aparece, tubong Brgy. San Nicolas, C. Padilla; Alvin Genteroceso Mercado; at Anthony Zapanta Manilag.

Lumabas umano ang pangalan ng mga HVT mula sa mga nahuli ng PNP na mga drug pusher at supplier.

Karamihan sa mga nahuhuli ngayon ng PNP ay mula sa kanilang mga follow-up operations.

Nakuha sa naturang operasyon ang 185.12 grams ng pinaniniwalaang shabu na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P1.2-milyon.