Aprubado na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang P1.5 trillion funding para sa infrastructure projects sa hangarin na masindihan ang ekonomoya ng bansa kasunod ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa botong 210 na affirmative, pitong negative, at zero abstention, inaprubahan ng mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 6290, o ang “The COVID-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus (CURES) Act of 2020.
Layon ng panukalang ito na mapondohan ang implementasyon ng mga infrastructure projects pagdating sa health, education, agriculture, at local roads o infrastructure livelihood sectors.
Kabilang sa mga infrastructure projects ang mga barangay health centers, municipal at city hospitals, digital equipment para sa COVID-19 testing, telemedicine services, post-harvest facilities, trading centers, at farm-to-market roads.
Sa ilalim ng panukala, ang P1.5-trillion budget ay hahatiin sa tig-P500 billion kada taon sa loob ng tatlong fiscal years.
Mababatid na kahapon ay inaprubahan din ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang P1.3-trillion economic stimulus package.