-- Advertisements --

Nasa kabuuang P1.23- billion confidential funds ang na-realigned sa 2024 proposed national budget.

Kinumpirma ni Appropriations Panel Chair at Ako Bicol Representative Elizaldy Co na unanimous ang desisyon ng Small Committee na tanggalin na at gawing zero budget ang confidential at intelligence funds ng limang ahensiya ng pamahalaan.

Ang mga ahensiya na tinanggalan ng CIF ay ang Office of the Vice President, Departments of Education (DepEd), Information and Communications (DICT), Deparetment of Agriculture (DA) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ni Co na malaking bahagi sa na re-aligned na CIF ay mapupunta sa mga ahensiya na nagtitiyak sa national security partikular sa West Philippine Sea.
Batay sa naging rekumendasyon ng panel ang confidential funds na na-realigned sa mga sumusunod na ahensiya:

  • P300-million para National Intelligence Coordinating Agency (NICA);
  • P100-million para sa National Security Council (NSC);
  • P200-million para sa Philippine Coast Guard (PCG)
  • P381.8-million sa Department of Transportation (DOTr)
    Samantala inihayag naman ni Co na imbes confidential funds ang matatanggap ng nasabing ahensiya bibigyan na lamang sila ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).
  • P30-million para Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
  • P25-million for DICT;
  • P30-million for DFA;
  • P50-million for the Office of the Ombudsman at
  • P150-million para sa DepEd’s Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE).