-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Leo Cacdac si Deputy Administrator Mocha Uson dahil sa batikos na inani nito ng pulungin niya ang mga overseas Filipino workers (OFW) na naka-quarantine sa Matabungkay sa Lian, Batangas.

Sinabi nito na siya mismo ang humiling kay Uson na bisitahin ang 332 OFW na naka-quarantine sa resort.

Nakatanggap kasi ito ng ulat na may OFW na naligo sa dagat na isang paglabag sa enhanced community quarantine na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Dahil sa natanggap nitong ulat ay inutusan niya si Uson para paalalahanan ang mga OFW na naka-quarantine.