-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Handa na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol sa tinitingnang repatriation ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng kumakalat na novel coronavirus.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay OWWA Bicol Communications Officer Rowena Alzaga, iniaalok ng tanggapan ang “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay” program para sa mga OFW.

Susuriin muna aniya ang membership status ng isang OFW kung active pa o inactive na.

Maliban sa livelihod assistance, naglalaan rin ang OWWA ng mga scholarship para naman sa mga anak ng OFW.

Samantala, matutulungan aniya ang mga kababayan sa pagpapauwi habang handa ring umayuda para sa medical assistance.