-- Advertisements --

Naitala mula Disyembre 29, 2024, hanggang Abril 26, 2025 na may 212 kumpirmadong kaso na ng yellow fever, kabilang ang 85 pagkamatay ayon sa World Health Organization (WHO).

Pawang nagmula ito sa limang bansa sa American Region.

Ang bilang ng mga kaso ngayong 2025 ay tatlong ulit na mas mataas kaysa sa 61 kumpirmadong kaso noong 2024, na nagpapakita ng mabilis na pagtaas ng impeksyon.

Sinusuportahan ng WHO ang mga apektadong bansa sa pagpapatupad ng mga hakbang tulad ng mas pinahusay na pagbabantay, pamamahala ng kaso at pagbabakuna.

Ang kasalukuyang sitwasyon ay dulot ng pagtaas ng sylvatic transmission, mababang saklaw ng pagbabakuna, at limitadong suplay ng bakuna, na naglalagay sa rehiyon sa mataas na panganib.

Binibigyang-diin ng WHO ang kahalagahan ng aktibong pagbabantay, mabilis na pagsusuri sa laboratoryo, koordinasyon sa pagitan ng mga bansa, at pagpapalawak ng saklaw ng pagbabakuna upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.