-- Advertisements --

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na mahigit 11 milyong buhay ang nawawala kada taon dahil sa mga neurological disorder.

Ayon sa bagong ulat ng WHO, higit 40% ng populasyon sa mundo o tinatayang 3 bilyong tao ang apektado ng mga kondisyon sa utak at nerbiyos.

Kabilang sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay at kapansanan ay stroke, Alzheimer’s, epilepsy, at meningitis.

Napag-alamang kulang ang mga neurologist sa mga bansang mababa ang kita, na may 80 beses na mas kaunti kumpara sa mayayamang bansa.

Nanawagan ang WHO ng mas pinagsama-samang aksyon upang palakasin ang brain health at palawakin ang access sa neurological care.

Iginiit ng organisasyon na maraming kondisyon ang maaaring maiwasan o magamot kung may sapat na serbisyo, lalo na sa mga liblib na lugar.