-- Advertisements --

Ipinangalan ng Singapore Botanical Garden management kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Louise “Liza” Marcos ang isang uri ng bulaklak doon, bilang pagpupugay sa kanilang pagbisita.

Una kasing tinungo ngayong araw ng Pangulo ang nasabing garden , para sa ikalawang araw ng kaniyang state visit dito.

Tinawag itong “Dendrobium Ferdinand Louise Marcos.”

Samantala, inaasahang malalagdaan ang ilang bilateral agreements sa counterterrorism at data privacy kasama si Prime Minister Lee Hsien Loong matapos ang ceremonial welcome sa Istana sa pangunguna ni President Halimah Yacob.

Bukod dito, may serye ng mga economic events sa pamamagitan ng briefings mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of Finance (DOF), na susundan ng roundtable meetings ng Department of Trade and Industry (DTI) at counterparts nito sa Singapore.