-- Advertisements --

Buo na ang miyembro ng minority bloc sa Senado.

Nagtipon ang siyam na miyembro ng minorya, na itinuturing na isa sa pinakamalaking minority bloc sa kasaysayan ng Senado, para sa isang pictorial.

Ang mga senador ay binubuo nina dating Senate President Chiz Escudero, dating Majority Leader Joel Villanueva, at sina Senador Alan Peter Cayetano, Bong Go, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, Robin Padilla, Jinggoy Estrada, at Bato dela Rosa.

Magsisilbi naman si Senador Alan Peter Cayetano bilang minority floor leader.

Tiniyak ni Cayetano nito na magiging matatag ngunit makabuluhang oposisyon ang minorya upang mapanatili ang pananagutan at transparency sa pamahalaan.

“We, as a Senate, have to really surrender to God how we will find a solution for the massive corruption that is happening in our country at a time where the trust in our government institutions and leaders may be at its lowest,” wika niya.