-- Advertisements --

Kasalukuyang nagpapagaling ang actor na si Mikael Daez matapos na sumailalim ito sa operasyon dahil sa Achilles tendon injury.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang larawan habang nakasaklay.

Nakuha nito ang injury sa basketball na itinuturing niyang isa sa pinakanakakatakot na pangyayari sa buhay niya.

Aminado ito na matatagalan pa ang paggaling kaya tinutulungan siya ng asawang si Megan Young.

Magugunitang noong Mayo ng isinilang ang panganay anak ng dalawa na si Leon.