-- Advertisements --

Posible umanong pag-usapan ng League Provinces of the Philippines sa Biyernes ang isyu sa optional na pagsusuot ng facemasks sa bansa.

Ayon kay League of Provinces of the Philippines National Chairman at Quirino Governor Dakila Cua, kasunod na rin ito nang pag-isyu ng Cebu province ng executive order para sa optional na pagsusuot ng facemasks sa naturang lalawigan.

Partikular na rito ang ang hindi na pagsusuot ng facemasks sa mga well-ventilated at open spaces.

Bagamat hindi pa naman daw ito napag-uusapan ng mga governors ay umaasa si Cua na matatalakay ito sa gaganapinn ilang term-ender meeting.

Kaisa rin si Cua sa panawagan na pag-aralan ang pagbabago ng mga polisiya sa paggamit ng facemasks sa publiko kahit mayroon umanong posibilidad na magdeklara ng public health emergency sa bansa sa ilalim ng kanyang termino si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kung maalala, nag-isyu ng Executive Order No. 16 si Cebu Governor Gwen Garcia at nakasaad ditong mandatory lamang ang pagsusuot ng facemasks sa mga closed at air-conditioned spaces.

Kaya naman ikinokonsidera na rin daw ito ng lalawigan ng Quirino.

Sa katunayan ayon kay Cua, sinimulan na ng provincial government ng Quirino kung gagayahin nila ang ginawa ng Cebu.

Pero ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay hindi naman kinikilala ang EO ni Garcia dah nil kinokontra nito ang Inter Agency Task Force (IATF) Guidelines na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Maging si Justice Secretary Menardo Guevarra ay nagsabing ang IATF resolution sa mandatory na pagsusuot ng face masks ay siyang masusunod at hindi ang mga executive orders na inisyu ng mga local government units.

Para naman sa Department of Health (DoH), iginiit nitong kailangan pa ring sundin ang minimum public health standards.

Kabilang na rito ang pagsusuot ng well-fitting face masks kasama na ang vaccinations at boosters.

Malaki raw itong tulong para mapababa an COVID-19 case counts sa bansa sa kabila ng mga sub variants.

Dagdag ng Health Department, ang kasalukuyang IATF protocols ay pinapayagan ang pagtanggal ng facemasks sa mga specific instances gaya na lamang kapag kakain o sa mga well-ventilated sports at activities.