Target ngayon ng bagong tatag na anti-narcotics unit ng PNP ang mga high value targets na sangkot sa illegal drug trade.

Ayon kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na mahigpit na tututukan ng PNP Drug Enforcement Group (P-DEG) ang mga drug manufacturers, traffickers, distributors, protectors at mga drug lord.

Sinabi ni Dela Rosa na muli nilang iba-validate ang mga pangalan na mga tinuguriang drug lords sa kanilang listahan.

Mayroon din hotline na inilaan ang P-DEG para sa publiko para magbigay ng impormasyon sa mga drug lord.

Ang mga Hotline numbers ay 09178950544 at 09989992286.

Si SSupt. Graciano Mijares ang pinuno ng bagong tatag na P-DEG, miyembro ng PMA class 1988 at bihasa sa anti-organized crime cases.

Aminado naman si Mijares na malaking challenged sa kaniya ang kaniyang bagong trabaho.

Kaniyang tiniyak na hindi mapapahiya ang PNP sa kanilang giyera kontra droga.