-- Advertisements --
Nagpulong ang mga opisyal mula sa Thailand at Cambodia para tuluyang pag-usapan ang ceasefire.
Isinagawa ang pagpupulong sa Malaysia kung saan ito ay paghahanda para sa pagpupulong ng mga defense ministers ng dalawang bansa sa araw ng Huwebes.
Ang nakatakdang pagpupulong sa Huwebes ay oobserbahan ng mga kinatawan mula China, US at Malaysia para tuluyan ng matapos ang hidwaan ng dalawang bansa.
Kasama rin na isinasapinal nila ang detalye ng monitoring team mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Magugunitang noong nakaraang buwan ng sumiklab ang ilang siglo ng hidwaan na ikinasawi ng 43 katao kung saan pinalikas ang mahigit 300,000 na katao.