-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang operator matapos makuryente sa Barangay Abucayan, Goa, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Guillermo Malacad Jr., residente ng Barangay Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na habang binababa ang mga materyales para sa gagawing cell site tower ng bigla umanong masagi ng biktima ang materyales sa primary line ng CASURECO 4 na naging dahilan nang pagkakakuryente ng nasabing operator.

Agad naman na dinala sa ospital ang nasabing operator ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.

-- Advertisement --