Naging matagumpay ang operasyon sa abdominal hernia ni Pope Francis.
Ayon sa Vatican na walang naging anumang komplikasyon na naranasan sa tatlong oras na operasyon ang 86-anyos na Santo Papa.
Mananatili ito ng ilang araw sa Gemelli Hospital sa Rome hanggang ito ay tuluyang gumaling.
Dahil dito ay kinansela ng Vatican ang lahat ng papal audience ng hanggang Hunyo 18.
Magugunitang noong 2021 ay sumailalim na ang Santo Papa sa colon surgery at mula noong ay nakaranas ng ito ng pananakit sa hernia kaya minabuti na ipa-opera na lamang.
Bago operasyon nitong Miyerkules ay pinangunahan pa ng Santo Papa ang lingguhang general audience sa Vatican kung saan kumaway pa ito sa mga tao sa St. Peter’s Square habang lulan ng Popemobile.
Ang Gemelli hospitals ay siyang napipiling pagamutan ng mga Santo Papa na tinawag pa ito bilang The “Vatican III” ni Pope John Paul II kung saan siyam na beses itong ginamot doon at nanatili ng kabuuang 153 na araw.