Kevin Durant 1
Kevin Durant/ IG post

Naging matagumpay ang isinagawang ruptured right Achilles tendon surgery ni Golden State Warriors forward Kevin Durant.

Sa kaniyang Instagram post, makikita ang Warriors star na ito ay nakahiga sa hospital bed.

Inanunsiyo nito na walang naging problema sa isinagawang operasyon sa nabanggit na injury.

Pinasalamatan din nito ang kaniyang mga fans na nagbigay ng pagdarasal para sa mabilisang pagpapagaling nito lalo na ang mga kaanak nito na nasa kaniyang tabi habang nagpapagaling sa pagamutan.

Dagdag pa nito na masakit sa kaniya ang hindi makapaglaro subalit labis din ang kasiyahan niya dahil kahit na hindi niya tinapos ang laro noong game 5 ay naipanalo ng kaniyang koponan ang laban.