Dahil pa rin sa patuloy na krisis na kinahaharap ng bansa na Coronavirus disease 2019 (COVID-19), pinayagan na ng Supreme Court (SC) ang online filing ng mga criminal complaints maging ang paghahain ng piyansa.
Sa tatlong pahinang memorandum circular na inilabas ngayong araw at pirmado ni SC Justice Diosdado Peralta, matapos umano ang konsultasyon ng mga miyembro ng kataas-taasang hukuman, napagkasunduan nilang ipatupad ang naturang sistema na nasa ilalim ng Sec. 5 (5). Art. VIII ng Konstitusyon dahil na rin sa limitadong galaw ng mga court users.
Sa pamamagitan nito, malilimitahan na ang pagbiyahe at pakikisalamuha ng mga judge at court staff sa mga korte.
Ang mga criminal complaints at informations kasama na ang kanilang mga supporting documents at puwedeng ipadala sa electronic transmission o email sa mga proper first o second level court.
Kapag natanggap na ang complaint o information ng korte, ang Clerk of Court naman ang dapat mag-refer sa reklamo sa Judge na naka-duty.
Ang huwes naman ang personal na mag-e-evaluate sa complaint o ang resolution ng prosecutor at kanilang mga supporting evidence.
Mayroon naman umanong tatlong araw ang para ma-evaluate ng judge on duty ang complaint o information.
Kailangan daw ay personal na i-evaluate ng judge on duty ang resolution ng prosecutor at mga supporting evidence.
Posibleng agad ibasura ng huwes ang kaso kapag walang sapat na baseha nang reklamo.
Kapag nakitaan naman ng judge on duty ng probable cause, mag-iisyu ito ng warrant of arrest, o commitment order kapang ang complaint o information ay inihain alinsunod sa Sec. 6, Rule 112, ng Revised Rules on Criminal Procedure at puwede itong arestuhin kahit walang warrant.
Sa existing rules, kailangan ding idetermina ng judge on duty kapag puwedeng maghain ng piyansa ang isang bilanggo alinsunod din sa Sec. 4, Rule 114 ng Revised Rules of Criminal Procedure.
Kapag naisumite naman ng akusado ang kanyang mga requirements for bail na ipapadala sa pamamagitan din ng email, kailangan ding i-examine ng huwes ang submissions.
Kapag aprubado naman ito ay kailangang pirmahan ng huwes ang approval ng piyansa at ang consequent release order.