concent morrison singers

Nakatakdang mag-perform ang mga sikat na singers sa gaganaping all-start virtual concert.

Ang concert na inorganisa ng Morrison Hotel Gallery at Rolling Live Studio ay gaganapin sa Agosto 15 sa pamamagitan ng YouTube channel ng Rolling Live.

Magiging host naman sa nasabing virtual concert si American TV personality Matt Pinfield at Allison Hagendorf, ang global head of Rock ng Spotify.

Matutunghayan sa nasabing concert ang ilang performances nina The Beatles drummer Ringo Starr, Guns and Roses guitarist Slash, David Johansen, Cheap Trick, Macy Gray, Billy Gibbons, Gavin Rossdale at maraming iba pa.

Magkakaroon din ng donation drive sa nasabing concert kung saan mapupunta ang malilikom na pera sa COVID-19 Relief Fund at sa National Independent Venue Association (NIVA).