Ititigil na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtanggap ng online application para sa ayudang ibinibigay ng kagawaran sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) para sa Tourism Sector.
Sa Labor Advirsory No. 10 ng DOLE, simula mamayang alas-5:00 ng hapon, Mayo 10, 2021, ang pagtatapos ng kanilang pagtanggap sa online application para sa P5,000 financial assistance sa ilalim ng CAMP.
Naubos na rin kasi aniya ang P3.1 billion na pondo para sa naturang programa.
Nakasaad sa naturang advisory na naabot na ng DOLE ang target beneficiaries sa Tourism Sector, na umaabot sa 520,000 tourism workers.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy naman ang evaluation at processing payment para sa natitirang applications na umaabot sa 215,000 ang bilang.