Nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa plano ng Israel na full military takeover sa Gaza.
Sa isang statement na inilabas ng ahensiya ngayong Agosto 25, nakasaad dito ang pagkabahala ng Pilipinas sa kasalukuyang sitwasyon sa Gaza, at ang posibleng lalo pang paglala ng naturang sitwasyon.
Kasama rin dito ang nagpapatuloy na restriction sa access sa life-saving humanitaran aid tulad ng pagkain at tubig, labis na displacement ng mga residente, at ang tuloy-tuloy na pag-atake sa mga sibiliyan.
Ayon sa DFA, ang full military takeover sa Gaza ay posibleng lalo pang magpapalala sa kasalukuyang sitwasyon at maaaring magpahirap para maabot ang maayos, pangmatagalan, at komprehensibong kapayapaan sa Middle East.
Umapela ang Pilipinas sa Israel na pakingan na ang panawagan para sa ceasfire bilang isang mahalagang hakbang para maprotektahan ang mga sibilyan at buhayin ang daan tungo sa kapayapaan.
Ayon sa DFA, kaisa ang Pilipinas sa panawagan ng international community para tuludukan na lumalalang humanitarian catastrophe sa Gaza Strip.
October 2023 noong unang nilusob ng Palestine-based na Hamas ang ilang kabahayan at pasilidad sa Gaza Strip na agad ding sinagot ng Israeli government.
Sa loob ng halos dalawang taon, tuloy-tuloy na ang labanan sa naturang lugar.