-- Advertisements --

Tiniyak ng kasalukuyang alkalde ng Maynila na ang lungsod ay nakahanda na ngayon sa kakaharapin posibilidad ng pagkakaroon ng krisis sa basura o sanitasyon.

Ayon kay Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso, ang paghahanda ay kasunod ng makatanggap ng impormasyon kamakailan hinggil sa pagsasara ng isang landfill.

Aniya’y sa liham ipinadala ng Metropolitan Manila Development Authority ay nabanggit ang pagsara ng tapunan ng basura partikular ang ‘Navotas Sanitary Landfill’.

Kaya’t inabisuhan raw siya ng kasalukuyang chairman ng ahensya na si Atty. Romando Artes na ilipat ang pagtatapon ng mga nakokolektang basura tungo sa ‘New San Mateo Sanitary Landfill’ sa Rizal.

Aminado ang naturang alkalde na ito’y kanyang itinuturing na posibleng mabigat na pagsubok para sa lungsod dahil hindi aniya biro ang layo ng bagong pagtatapunan ng basura.

Kanya ring sinabi na isa sa mga maaring maging epekto ng pagsasara ng malapit na landfill ay magresulta para magkaroon ng pagkaantala para maitapon ang mga nakokolektang basura.

Samantala, tiniyak naman ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na mayroon pa ring mga truck na mag-iikot sa lungsod para mangolekta ng basura.

Habang ibinahagi pa ng naturang alkalde na sila’y nagtayo ngayon ng pansamantalang ‘Transfer Facility’.

Aniya’y dito muna itatapon ang mga makokolektang basura sa iba’t ibang mga komunidad bago idiretso sa mas landfill

Kaya’t makakaasa pa rin ang publiko na patuloy na iikot pa rin sa buong lungsod ang mga truck para sa koleksyon ng basura.