-- Advertisements --

Ipinag-utos ng kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga kapulisan ang ‘full visibility’ sa lungsod para sa darating na kapaskuhan ngayong taon.

Sa direktiba ng naturang alkalde, kanyang inatasan ang Manila Police District o MPD na seguraduhin ang pagpapakalat ng mga pulis sa buong lungsod sa nalalapit na holiday season.

Inaasahan aniya raw kasi ang posibilidad sa pagtaas ng mga maitatalang insidente ng krimen lalo na ngayong kapaskuhan.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, alinsunod ito maging sa direktiba ni Philippine National Police Acting Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na maging ‘visibile’ ang kapulisan sa mga pampublikong lugar.

Kung kaya’t inatasan na rin ng alkalde ang kapulisan na mag-deploy ng karagdagang mga tauhan at magsagawa ng ’round-the-clock patrols sa matataong mga lugar.