-- Advertisements --

Pansamantalang mananatili sa San Sebastian Church ang andas ng Hesus Nazareno ngayong umaga ng Sabado, Enero 10.

Ito ay matapos ang mahigit 24-oras na ginanap na traslacion.

Ang nasabing desisyon ay matapos ang isinagawang tradisyunal na dungaw kung saan inilabas ang imahe ng Mahal na Birhen del Carmen.

Sinabi Fr. Ramon Jade Licuanan, ang rektor at kura ng Minor Basilica at National Shrine ng Jesus Nazareno na pansamantala lamang ang pananatili.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na manatili ang mga andas.