Inaprubahan na ng gabinete ang one-seat-apart policy sa public transport at iba pang hakbang para luwagan pa ang pagbiyahe ng publiko.
Ginawa ang pag-apruba sa isinagawang full-Cabinet meeting kahapon matapos iprisinta ng economic development cluster ang kanilang rekomendasyon para buhayin ang ekonomiya ng bansa mula sa pagkakalugmok dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mula sa one seat apart o isang upuang pagitan ng mga pasahero, unti-unti ring dadagdagan ang kapasidad ng mga pampublikong sasakyan hanggang pwede nang magkakatabi ang mga pasahero basya mayroong plastic barrier o paggamit ng UV light.
Ayon kay Sec. Roque, kabilang din sa inaprubahan ang pagpapalawak ng rail capacity hanggang 50 percent; exapnsion ng operasyon ng provincial buses, motorcycle taxis, shuttles at Transport Network Vehicle Services (TNVS) at service contracting para sa public transport (bus, jeepney).
Iginiit naman ni Sec. Roque na kasabay pa rin nito ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standards gaya ng pagsusuot ng face masks at face shields, “no talking and no eating polic” at sapat na ventilation sa mga pampublikong sasakyan.