Inihayag ng Department of Justice na posibleng iakyat o matuloy na sa pagsasampa ng kaso ang isinasagawang imbestigasyon patungkol sa maanomalyang flood control projects.
Ayon mismo sa kasalukuyang kalihim ng kagawaran na si Secretary Jesus Crispin Remulla, plano aniyang maghain ng ‘plunder case’ laban sa mga opisyal ng gobyerno nasasangkot sa naturang isyu.
Dagdag ng kalihim, kung lumabas sa imbestigasyon at makakalap ng sapat na mga ebidensya, posibleng kanilang isampa ito pati ‘malversation’ of public funds ay siyang isasama rin aniya.
Kasunod ito ng kanyang sabihin na mayroon ng mga nakikitang ‘findings’ ang National Bureau of Investigation hinggil sa pag-iimbestiga kaugnay sa kontrobersyal na mga proyekto.
Nagbibigay na aniya ang kawanihan ng mga findings kaya’t inaasahang makapaghahain na ng kaso sa lalong madaling panahon.
Habang sinabi naman ni Justice Secretary Remulla na wala pang panibagong ulat o impormasyon patungkol sa abogadong lumapit sa kanya kamakailan hinggil sa pagtayo sana bilang ‘whistleblower’ ng kanyang kliyenteng kabilang sa mga kontratista.
Samantala, buhat nito’y inihayag ng naturang kalihim na makasesegurong basehan nila ay mga ebidesyang nakakalap sa imbestigasyon.
Ibig sabihan, makatitiyak umano ang publiko na sila’y nakikipagtulungan at ugnayan maging sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa pag-iimbestiga.
Kaugnay pa rito, patungkol naman sa Immigration Lookout Bulletin request ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, ayon kay Justice Secretary Remulla, kasalukuyan itong prinoseso na.
Hiling kasi ni Secretary Dizon na maipasailalim sa naturang ‘travel monitoring’ maging ang dating kalihim ng kagawaran na kanyang pinalitan na si former Secretary Manuel Bonoan.
Ito’y sa patuloy pa ring isinasagawang kaliwa’t kanan pag-iimbestiga hinggil sa maanomalyang ‘flood control projects’ ng pamahalaan.