Handa ang Pilipinas na makipag tulungan sa mga kapitbahay na bansa partikular sa China upang mapanatili ang peace and stability sa buong Indo-Pacific Region.
Ito ang muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sa kaniyang mensahe sa Manila Strategy Forum na pinangunahan ng Center for International Studies (CIS) na ginanap sa Solaire Resort sa Pasay City ngayong umaga.
Ayon sa Pangulo hangad ng Pilipinas na magkaroon ng kapayapaan sa rehiyon subalit dapat respetuhin ng mga kapitbahay na bansa ang soberenya at hurisdiksyon ng Pilipinas.
Sabi ng Pangulo non negotiable ang isyu sa hindi pagkilala sa karapatan ng Pilipinas.
Gayunpaman, ayon sa Pangulo hindi patitinag ang Pilipinas sa mga pambu bully at harassment ng China laban sa mga barko ng bansa.