-- Advertisements --

Nakatakdang kumuha ang Office of the Ombudsman ng hanggang 100 mga abogado para sa taong 2026.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, na inaasahan nila ang pagbaha ng mga kasong idudulong sa kanila na may kinalaman sa flood-control.

Dagdag pa nito na baka sa buwan ng Mayo ay marami na silang kaso na maisasampa kaya mahalaga na kumuha ng dagdag na abogado.

maaring 30 muna sa Enero, at 70 naman hanggang sa katapusan ng Marso.

Isinasapinal na nila ng plantilla sa Department of Budget ang Management.

Paglilinaw nito na hindi naman bago ang mga abogado basta mayroong 2 taon na karanasan at may lakas at idealismo.