Nagpahiwatig ngayon ang kauna-unahang Pilipinong nakasungkit ng gold medal sa Olympics na si Hidilyn Diaz-Naranjo ng posible nitong pagreretiro na sa weightlifting pagkatapos ng 2024 Paris Olympics.
Sa kanyang Facebook post, ipinost ni Diaz ang larawan ng kanyang mga kamay kalakip ang isang sulat sa kanyang sport.
Aniya, naghahanda araw raw ito para sa nalalapit na Olympics na isasagawa sa France.
Mayroon din siyang inilagay na hashtag “#LastLift,” o ang posibilidad na ito na ang huli niyang laban para sa bansa.
“We are officially 2 years to go before I step onto the platform at the #2024parisolympics . I am manifesting this because this is what I want to do. It is my choice to go for my #LastLift and #TeamHD will be with me throughout the whole process. I am claiming this, for the love of God and our Country,” ani Diaz.
Kung maalala, matapos ang kasal nila ng kanyang coach na si Julius Naranjo ay sinabi nitong ipinagpaliban muna nila ang kanilang honeymoon para paghandaan ang Olympics.