-- Advertisements --

Nalugod si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo na isinama ang weighlifting bilang isang demonstration sport sa ika-65 Palarong Pambansa na ginanap sa Ferdinand E. Marcos Sr. Memorial Stadium sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. 

Ayon kay Diaz-Naranjo, isa itong mahalagang hakbang tungo sa pagpapatatag ng grassroots development ng naturang isport sa Pilipinas.

Nagpahayag pa si Diaz-Naranjo ng pag-asa na magiging regular na bahagi ng Palaro ang weightlifting sa susunod na taon na may 10 hanggang 15 rehiyon at 150 atleta na sasali.

Nagpasalamat din ang gold medalisgt athlete sa Department of Education (DepEd) para sa bagong hakbang na ito.

Humigit-kumulang 15,000 delegado mula sa 20 athletic associations, kabilang ang 18 rehiyon ng bansa, ang National Academy of Sports, at Philippine Overseas Schools, ang lumahok na nagsimula noong Mayo 24 hanggang Mayo 30.