-- Advertisements --
Pumanaw na ang sikat na Italian fashion designer na si Valentino Garavani sa edad na 93.
Kinumpirma ito ng kaniyang brand sa social media subalit hindi na nagbigay pa ng anumang detalye.
Iitnaguyod niya ang brand na Valentino bilang sikat na brand ng mga damit.
Ipinakilala din nito sa fashion world ang tinatawag na “Valentio Red”.
Taong 2008 ng magretiro na ito sa fashion world kung saan kasabayan niya noon ang ilang mga sikat na pangalan gay nina Giorgio Armani at Karl Lagerfeld.
Pumanaw si Lagerfeld noong 2019 habang si Armani naman ay noong Setyembre ng nakaraang taon.
















