-- Advertisements --

Magkakasabay nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang produkto.

Kaninang ala-6 ng umaga ng magpatupad ng P1.20 na dagdag sa kada litro ng diesel.

Mayroon namang P0.50 na dagdag sa kada litro ng gasolina habang ang kerosene ay mayroong P1.10 na dagdag sa kada litro.

Ito na ang pang-siyam na linggong pagtaas ng presyo ng mga produktong langis sa bansa.

Kung saan mayroong kabuuang P9.65 na ang itinaas sa kada litro ng gasolina habang P13.74 na ang sa kada litro ang itinaas sa kerosene at P14.40 sa kada litro ang itinaas ng diesel sa loob ng siyam na linggo.

Sinabi ng Department of Energy na ang sanhi ng nasabing taas presyo ng mga produktong petrolyo ay dahil sa pagbaba ng fuel inventory sa US dahil sa pagtaas ng exports.